Gaano ba kahalaga ang Disiplina?
Sa araw araw na ginawa ng Diyos, palagi na lamang meron mga motorcycle riders at mga pedestrians ang hindi marunong sa kalsada.
Ang mga riders singit na lang ng singit, at sino ang nagsabi sa inyo na ung right side o ung outer most lane ng kalsada ay sa inyo? Namimihasa na kayo, gusto nyo pa palagi kayo pinagbibigyan pero ayaw nyo naman magbigay sa mga sasakyan.
Hindi ba kayo marunong magbagal at huminto kung kinakailangan? Hindi porket nakakapagpa-andar kayo ng motorsiklo ay marunong na kayo mag-motor. Dapat kabisado nyo ang mga ipina-iiral na Batas Trapiko sa buong Pilipinas at dito sa Kalakhang Maynila.
Napaka-swerte nyo at wala na ako sa Traffic Enforcement, kung nagkataon baka hindi lang Traffic Citation Ticket ang ibibigay ko sa inyo. Magtanong kayo sa mga matatagal na sa Traffic na nakaka-kilala sa akin at sila na ang bahala magsabi sa inyo kung gaano ako kabait pagdating sa pagpapatupad ng Batas Trapiko.
Eto, halimbawa, meron nakalagay nito sa isang intersection, ‘This Lane Must Turn Right’ road sign, nangangahulugan ito na kung ikaw ay kakanan mula sa direksyon kung saan ka nakaharap dun ka dapat ppwesto sa pinaka-outer most lane ng kalsada, pero hindi nangangahulugan na basta basta ka na lang kakanan lalo na kung naka Red ang Traffic Signal Light, kahit meron o walang karatula na nakalagay na ‘No Right Turn on Red Signal’. Kailan ka pwede kumanan? Kapag naka “Go” o Kulay Green o Berde ang Traffic Signal Light galing sa iyong direksyon at kung meron nakalagay na ‘Turn Right Anytime With Care’. Ilan lamang sa mga simpleng Road Signs na kapag hindi mo sinunod tiyak bukod sa kaso na “Reckless Imprudence” ay nasa ospital ka o kung minalas malas ka naman pupuntahan na lang kita sa burol mo at babasbasan bago ka ilibing.
Bukod pa diyan, mga motorcycle riders hindi daanan ng motorsiklo ang Pedestrian Lane, kaya nga Pedestrian ehh para sa mga tao na walang sasakyan. Isa na ang nasita ko sa ganyan at yung isa naman na kakilala ng kakilala ko na-aksidente sa ganyan kung hindi ba naman ikako siya “kamote” hindi naman daanan ng motorsiklo ang “Pedestrian Lane”. At sa mga nagbibisikleta, hindi porket “Bicycle lane” ay pwede na kayo sumalungat sa daloy ng trapiko ng mga sasakyan gamit ang “Bicycle Lane” ang sarap nyo pagbabatukan.
Ang mga pedestrian naman, kung hindi naglalakad sa kalsada ay wala din naman paki-alam sa pagtawid sa kalsada. Sinong imbestigador ng traffic ngayon ang makapagpapaliwanag sa akin kung bakit bigla na lamang nabago ang panuntunan ng Batas Trapiko? Dati kasi, basta biglang tumawid at wala sa tamang tawiran ang isang tao o ito ay walang paki-alam sa paglalakad sa kalsada at hindi sa bangketa at ito ay nahagip o nasagasaan ng isang sasakyan talo na agad ito sa kaso. Kaya sino ang dapat sisihin dito?
Inuulit ko sa ika-gaganda at sa ika-sasa-ayos ng ating paglalakbay sa mga pangunahing lansangan DISIPLINA ang ating kailangan.
Belated Happy Anniversary nga pala sa lahat ng mga Police Commissioned Officers (PCOs) at Police Non Commissioned Officers (PNCOs) na kabilang sa PSBRC Class 2003 Bravo ng NCRPO.