NASA Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Bahagi ng panalangin na matamo ang hinahangad subalit hindi dapat na iasa lamang sa Diyos.
Kailangang kumilos upang ang pinapangarap ay matamo at doon ay sabayan ng panalangin.
Ginagawa naman ang lahat gayunman ay nananatiling bigo pero hindi katwiran upang sumuko.
Sa patuloy na paggawa at paglaban ay nananatili pa rin ang kabiguan sa ninanais.
Doon na susuko at papasok ang katwirang kung hindi ukol ay sadyang hindi bubukol.
Kumbaga ay napapaisip na hindi nakaguhit sa palad ang tagumpay o pag-asenso sa kabila na kumikilos at nananalangin naman.
Kung bakit?
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam.