KONTROBERSIYAL ang katagang ‘Eat Bulaga’ at bago natin simulan ang paksa ng ating pitak ay pasintabi sa mga eksperto lalo sa mga abogado.
Tayo ay hindi nagdudunung-dunungan bagkus ang hanap natin ay ang payak na kasagutan.
Nakaisip si Juan dela Cruz na magbubukas ng isang pahayagan.
EAT BULAGA
Halimbawa ay iyan ang kanyang naisip na pangalan ng pahayagan.
Siyempre ay irerehistro ito bago umpisahan upang matukoy kung walang kapangalan at mapapahintulutan.
Since dyaryo ito ay mailalagay sa klasipikasyon bilang newspaper publication or newspaper publishing.
Tinanggap ang aplikasyon at naaprubahan ang EAT BULAGA kaya maaari na itong mailathalang pahayagan batay sa naturang klasipikasyon.
Tama po ba o mali?
Eto naman si Pedro Penduko ay nagbalak magbukas ng pagkakakitaan o maliit na negosyo na videoke bar.
EAT BULAGA
Iyan din ang naisip kunwari na ipapangalan ni Pedro Penduko sa kanyang negosyong videoke bar.
Ganoon pa rin ang proseso, maghahain ng aplikasyon si Pedro Penduko at maghihintay ng aprubal para masimulan ang target na negosyo.
Sa anong klasipikasyon naman maihihilera ang EAT BULAGA ni Pedro Penduko?
Pinalad si Pedro Penduko at naaprubahan ang kanyang aplikasyon.
Uubra ba ito na parehong gamit-gamit ang katagang EAT BULAGA?
Tapos may iba pang indibidwal na naghahangad ng kanilang balak na negosyo na gagamitin din ang word na EAT BULAGA?
Paglilinaw lamang na hindi tayo sumasawsaw o nakikialam sa usaping may kinalaman sa programa sa telebisyon.
Ang hinahanap nating tamang kasagutan ay kung magagamit ba ng iba ang kataga o ang pangalang EAT BULAGA para sa tinatarget na negosyo?
Iyon lang po!