Ebidensiya

 

SADYANG bihira na magiging magkapareho o tugma ang pananaw ng bawat indibidwal.

Tama sa iyo ay mali sa kanya o mali sa iyo ay tama naman sa kanya.

Hindi magkakasundo dahil nga sa magkasalungat na katwiran na kalimitan ay humahantong sa kalasan o paglalayo.

Ang sitwasyon ng pinagtatalunan ay depende sa kung anong bagay o paksa.

May pagkakataong lalong pinaninindigan ang katwiran o pananaw dahil sa pinanghahawakang ebidensiya.

Maaaring maging daan ang ebidensiya para sa katotohanan subalit kung minsan ang totoo ay hindi naman epektibo.

Ibig sabihin ay halimbawang totoong mayroon kang ginawa o ibinigay subalit hindi naman naging tama ang pamamaraan ng iyong pagbibigay.

Alam mong tama ka gayunman ay hindi man lang nag-isip na mayroong pagkakamali sa ginawang pamamaraan.

Punto lamang dito ay tama o mali man ay parehong hanapin at harapin ang mga ito.

Tama, may mali nga akong nagawa.

Mali, aba teka at tama nga na iyon ay mali.

Magulo ba at nakakalito, basta…

‘Wag magpakampante sa ebidensiya.