El Niño

SA pagpasok ng panahon ng tag-init ay hindi maiaalis ang mga katanungang mayroon bang kaukulang supply sa tubig.

Bumababa ang antas ng tubig sa mga dam at gayundin ang supply ng irigasyon dahil bawas ang pagbuhos ng mga ulan dulot ng El Niño.

Hindi naman kaila kung gaano kahalaga ang tubig sa pang-araw-araw na pangangailangan kaya nariyan ang pangamba kung ito ba ay mayroong kaukulang supply sa ganitong panahon.

Bagaman mayroong babala ang National Water Resources Board  ng posibleng kakulangan sa supply ng tubig ay tiniyak naman ng ahensiya na ito ay matutugunan.

Hindi tumitigil ang NWRB ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya kabilang ang National Irrigation Authority na makakapagbigay ng tulong.

Ang mga magsasaka ay isa sa mga labis na nababahala dahil malaking dagok sa sektor ng agrikultura ang El Niño.