ANG kasalukuyang pagsisimula ng matinding El Niño ay may posibilidad umanong mararanasan pa hanggang sa susunod na buwan batay sa pagtataya ng Department of Science and Technology.
Sinasabi naman ng ibang tanggapan na ang El Niño ay mananatili pa mula Marso hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Bunsod naman ito ng umano’y paglipat sa El Niño Southern Oscillation sa Abril-Mayo-Hunyo 2024.
Ipinapaliwanag rito na ang El Niño Southern Oscillation ay hindi ikinokonsidera bilang El Niño o La Niña.
Ibig sabihin na ang trade winds ay umiihip sa east hanggang west sa Pacific Ocean.
Ang resulta nito ay ang dalang mainit na hangin at mas mainit na tubig sa ibabaw patungo sa Western Pacific.
Dahilan naman kaya nananatili sa Central Pacific Ocean ang may katamtamang lamig.