Fake news

LUMAGDA ang Presidential Communications Office sa isang memorandum of understanding kasama ang iba pang sangay ng gobyerno.

Tinawag itong Media and Information Literacy Campaign Project ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Nilayon ng kasunduan ang pagpapalakas sa kampanya hinggil sa paglaban sa disinformation at misinformation o ang tinatawag na mga fake news.

Katuwang dito ang Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Social Welfare and Development, at Department of the Interior and Local Government.

Ang paglaganap ng mga maling balita o fake news ay sadyang nakakabahala lalo at nasasagap ng mga kabataan.

Gagawin naman ng kasalukuyang administrasyon ang mga nararapat upang ito ay malabanan.