Ginhawa para sa ekonomiya

MAS pinaluwag na ng Department of Tourism ang safety at health protocols sa mga establisiyimento na panturismo.

Isinasaad sa Memorandum Circular 2023-0002 ng DoT na bukod sa hindi na hahanapan pa ang mga turista ng katibayan na sila ay fully vaccine ay pinahihintulutan na rin kahit walang suot na facemask.

Ang pagluluwag sa mga turista ay bunsod ng nilalayon ng departamento para sa pagbangon ng mga investor na may kinalaman sa turismo na labis na naapektuhan sa pananalasa ng Covid-19 noong 2019.

Nakabukas para sa turismo maging ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Pagkatapos ng mga restriction o lockdown dulot ng pandemiya ay napapanahong ibigay ang ginhawa para sa ekonomiya.