Gintong medalya kay Bayla ng Baguio City sa 8th PNPG

8TH PHILIPPINE NATIONAL PARA GAMES ARCHERY GOLD MEDALIST ELIZABETH BAYLA BAGUIO CITY

 

NAPUNTIRYA ni Elizabeth Bayla ng Baguio City ang gintong medalya makaraang maalpasan ang katunggaling kapwa na Baguio na si (naka wheelchair) Agustina Bantiloc sa kanilang pag tutungalian sa arrow Olympic round. Ng katatapos na 8th Philippine National Para Games women’s compound Open division. (REY NILLAMA)

 

TAGUMPAY si Elizabeth Bayla ng Baguio City para makamtan ang gintong medalya sa women’s compound Open division ng 8th Philippine National Para Games sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

Tinalo ng 56 anyos na Bayla ang seasoned archer na si Agustina Bantiloc, 132 131, sa 15 arrow Olympic round.

“Malapit na ang laban. Kahit sino pwedeng manalo,” komento ni Bayla sa Filipino. Nanalo siya sa recurve event noong 2019.

Si Bantiloc ang nagdomina sa 72 arrow elimination phase na may 639 points, kung saan 19 shots ang tumama sa bullseye.

Sa kabilang banda, gumawa naman si Bayla ng 25 perfect shots para tumapos na may 637 points.

“Sa score ko, qualified na akong sumali sa international competitions,” ani Bayla, na naghahangad na makalaban sa susunod na Asean Para Games at sa 2026 Asian Para Games sa Nagoya, Japan.

Pero ang kanyang pangunahing layunin ay maging kwalipikado sa 2028 Los Angeles Paralympics.

“Siyempre, pangarap ng lahat na makapunta sa Paralympics,” ani Bayla, na putol ang kaliwang binti.