TOP 3 WINNERS PNOCC BATTLE OF THE GRANDMASTERS
MATAGUMPAY na napasakamay ni (gitna) Grandmaster John Paul Gomez ang kampeonato, nakuha naman ni (pangalawa kaliwa) International International Master Paolo Bersamina ang 1st placer habang (dulong kanan) 2nd placer naman ang bagong Grandmaster na si Daniel Quezon makaraang igawad sa kanila ang kani-kanilang tropeo ni Alicia, Isabela Mayor Atty Joel Amos P. Alejandro kasama sa larawan ang Chief Arbiter na si Ronnie Tabudlong sa ginanap na awarding ceremony ng Philippine National Open Chess Championship “Battle of the Grandmasters” na ginanap sa Alicia, Isabela.
Hindi talaga nawalan ng pag asa si Grandmaster John Paul Gomez na muling mapasakamay nito ang kampeonato.
Kamakailan lang, nakumpleto ng 38 anyos na Olympiad veteran ang kanyang pag akyat pabalik sa dominasyon matapos niyang maghari sa Philippine National Open Chess Championship “Battle of the Grandmasters” na ginanap sa Alicia Community center Alicia, Isabela.
Hinati ni Gomez ang puntos kay International Master Joel Banawa, isang local bet, sa 21 moves ng Caro kann encounter at nagtapos ng 8.5 points na nagbuklod sa kanya ng Southeast Asian Games berth sa susunod na taon sa Thailand.
Mas naging mainam ito sa kampeon na naka pagbulsa ng nagkakahalaga na P120,000 courtesy of tournament host at Alicia Mayor Joel Amos Alejandro.
Natapos din nito ang matagal na hinahangad na muling makamit tagumpay makaraang matapos huling manalo sa event makaraan lambing isang taon na ang nakakaraan.
Sa kabuuan, tatlong korona na ngayon ang nakuha ni Gomez kabilang na ang breakthrough victory noong 2008 na nagsimula sa naging isang ilustradong karera na nakakita sa kanya na pitong beses na gumawa ng Olympiad squad.