Pinangunahan ni Governor Athena Tolentino ang Women’s Welfare Program sa Bayan ng Noveleta, kung saan 2,000 kababaihan ang nakatanggap ng Php 2,000 na tulong pinansyal.
Ang programang ito ay patuloy na nagbibigay-lakas sa mga kababaihang Caviteño, na nagsisilbing tulay sa mas matatag na pamilya at maunlad na komunidad.
Kasama ni Governor Athena sa programa si Tagaytay City Councilor Micko Tolentino bilang kinatawan ni Senador Francis “Tol” Tolentino, 1st District Board Member Davey Chua, at mga lokal na opisyal ng Noveleta, sa pangunguna ni Mayor Dino Chua at ng buong Sangguniang Bayan.
Ang kanilang pagdalo ay patunay ng sama-samang pagkilos ng mga lider upang suportahan at itaguyod ang kapakanan ng kababaihan sa lalawigan. (Mula sa CPIO)