HALOS P800 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos naaresto ang tatlong umano’y big time pusher sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation sa Imus City, Cavite.
Kasong paglabag sa R.A 9165 (Buy-bust Operation) ang kinaharap ng mga suspek sa sina Larry Martin Didel y Saad, 37, mekaniko, ng Fairgrounds Subd., Pasong Buaya II, Imus City; Jan Rey Estrella y Naz, 26, motor shop owner, ng Dasma 4 Salawag, Dasmarinas City; at Adie Batawan y Guimadel, 33, ng Villa De Primarosa, Imus City at nasa listahan ng High Value Individual.
Sa ulat, bandang alas-6:26 ng gabi ay nagsagawa ng buy bust operation ang Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (DEG), Special Operation Unit (SOU) 4A, Cavite Police Provincial Office (PPO), Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A at Imus Component City Police Sation, sa Block 3 Lot 19 Lavander St., Brgy Pasong Buaya 1, Imus City na nagresulta sa pgkakaaresto kina Didel at Estrella.
Narekober sa kanila ang tinatayang 110 kilograms ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P748,200.00.00 at boodle money.
Sumunod naman na nagsawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SOU 3, PNP-DEG, SOU 4A at Imus Component City Police Station bandang alas-9:58 ng gabi sa Villa de Primarosa Brgy Buhay na Tubig na nagresulta sa pagkakaaaresto kay Batawan at narekober sa kanya ang tinatayang 4 kilogram ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P27,200.000.000.00, isang Nokia Cellphone, isang Identification Card at boodle money.
Tinatayang P775,400.000.00 ang kabuuang halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkasunod na operasyon. GENE ADSUARA