Hanggang saan ang buhay mo?  

INILUWAL tayo mula sa sinapupunan ng ating ina at magiging tao sa mundong ibabaw.

Sa pilosopong salita ay magiging o naging tao tayo dahil sa ating nanay at tatay.

Pagluwal ni nanay mula sa kanyang sinapupunan ay katanungan kung hanggang saan ang ating buhay.

Ibig sabihin ay hanggang kelan tayo mabubuhay subalit alam naman natin na mayroong kapag kapanganak o hindi ba nailalabas sa tiyan ng ina ay nababawian na ng buhay.

Mapalad ang makikipagsapalaran at makikiagos pa sa galaw ng mundong ibabaw.

Kahit pa sa mahirap o mayaman na uri ng pamumuhay basta nasa mundong ibabaw at buhay.

Mula sa pagsibol sa mundo ay mayroong saglit at napakabilis lamang na mananatiling buhay.

Ibig sabihin ay may sanggol, bata, murang edad o katatamtamang gulang ang nababawian na ng buhay.

Sabi nga ay hiram lang ang buhay at nagsilbing instrumento lamang ang ina at ama o ang magulang sa pagluwaw sa mundo.

Tanong na kung kanino ba galing ang buhay o sino ba talaga ang nagbigay ng buhay?

Simpleng kasagutan na nagmula o bigay ng Panginoong Diyos na tanging ang pagbawi ay mula rin sa Kanya.

Sabi nga ay parang kapag birthday na mayroong cake at candle na hinihinapan kasabay ng wish.

Pero sabi nga rin na kapag iniluwal ng ina at lumabas sa mundong ibabaw ay may kaakibat na rin na kandila pero walang cake.

Kandila na ang blow o ang pag-ihip ay nasa kamay ng Diyos, na kumbaga kapag hinipan na Niya ay kadiliman o kamatayan na.

Mapalad ang binibigyan ng Diyos ng mahabang kandila subalit lahat tayo ay masuwerte maliit man o malaki iyan dahil nasilayan at nabuhay sa mundo sa pamamagitan ng hiram na buhay.

Hiram kaya nangangahulugan na babawiin rin na dapat ay malinis sa pagbawi.

Malinis tayong ipinahiram kaya dapat ay malinis tayong babawiin.

Iyan ang tanong, sa ating kamatayan ay malinis ba rin tayo?