Higit P6-M ‘bato’ kumpiskado  

KUMPISKADO sa dalawa katao ang mahigit sa P6 millyong halaga ng shabu sa isinagawang drug operation sa Iligan City kamakailan.

Magkatuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency-Northern Mindanao (PDEA-10) at National Bureau of Investigation sa nasabing operasyon na nagresulta sa kagkakakumpiska ng P6.8 million shabu.

Kapwa 24-anyos ang dalawang suspek na nahulihan ng shabu package na umano’y tumitimbang sa mahigit isang kilo.

Napansin sa package ng shabu ang Chinese characters na pagkakasulat.

Kaya naman hinihinala ang posibilidad na Chinese suppliers mula sa Kalakhang Maynila ang pinanggagalingan ng droga.

Posible rin umano na ang dalawang suspek, na kapwa residente ng Marawi City, Lanao del Sur, ang pinagkakatiwalaan ng tumatayong operator mula sa Metro Manila. RUBEN LACSA