TILA kakaiba ang sibol ng mga kabataan sa kanilang kasalukuyang henerasyon.
Ang PhilCare ay nagsagawa ng survey kamakailan sa mga kabataang Pinoy na 16 hanggang 26 anyos.
Noon ang mga ganitong edad ng kabataan ay nakatuon ang pansin sa pagkakaroon ng simple at maayos na trabaho.
Sa naturang survey ay mas mataas ang bilang ng mga kabataang Pinoy na ang hangad ay magkaroon ng sariling negosyo.
Marami rin ang mas pinipili ang pagkakaroon ng marami o iba’t ibang sideline kumpara sa pagiging isang full time worker.
Pagpapakita lamang ito na may higit na hinahanap ang mga kasalukuyang kabataan na hindi basta na trabaho lamang.