MAYROONG panawagan ang Office of the Civil Defense sa lahat ng pribado at pampublikong tanggapan.
Ito ay ang pakikilahok sa National Simultaneous Earthquake Drill na nakatakda sa darating na Marso 9.
Magiging katuwang ng Office of the Civil Defense sa pagsasagawa ng naturang earthquake drill ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Mahalaga ang may kaalaman at pagsasanay sa ganitong pagkakataon o ng iba pang trahedya.
Sa sandalling makakaranas ng lindol ay kailangang gawin ang ‘Duck, Cover, and Hold.’
Nariyan ang mga evacuation area na maaaring mapuntahan kapag natapos na ang paglindol.
Ipinapaalala rin na hindi dapat tumabi malapit sa mga gusali at poste ng kuryente kapag inabutan ng lindol sa labas.
Sa aktuwal o mismong kaganapan ay nangyayari na nalilimutan na ang mga kaalaman at pagsasanay na siyang hindi dapat sa panahon ng lindol dahil sa pagkataranta ay lalong hindi maisasalba ang buhay.