Hindi lamang sa kamay ng mga manggagamot

ANG kasalukuyang buwan ay inilaan ng Department of Health sa pagpapabakuna para sa mga bata sa buong bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng programa na tinawag bilang ‘Chikiting Ligtas.’

Kaya naman patuloy ang panawagan ng kagawaran sa lahat ng magulang.

Hinihiling ang pakikiisa hinggil sa isinasakatuparang malawakang pagbabakuna sa mga bata para makaiwas sa mga sakit ang bawat anak.

Mahigit sa 11 milyong bata na ang edad ay lima pababa ang hinahangad ng DOH na maisailalaim sa oral polio vaccination.

Nasa 9.5 milyong bata naman na mula 59 buwan hanggang siyam na taong gulang ang tinatarget para sa measles-rubella vaccines ng kagawaran.

Nasa bawat magulang din ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng anak at hindi lamang sa kamay ng mga manggagamot.