Hindi sa loob lamang ng isang taon dapat nasa puso si Hesus

KADA taon ay mayroong mga mahahalagang okasyon o mga araw na ginugunita natin.

Tulad ngayon, tayo ay nasa panahon ng Kuwaresma partikular sa mga kapatid na katoliko.

Ito ang panahon ng pagpapaalala upang higit na sariwain ang labis na sakripisyo at matinding pasakit na sinapit ng ating Panginoong Hesus.

Tuwing pagsapit ng Mahal na Araw ay iba’t ibang pamamaraan ng pagpipinitensiya ang isinasagawa natin.

Ang pinitensiya ay hindi lamang dapat tuwing Holy Week bagkus ay isakatuparan sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng paglayo sa kasalanan.

Tamang sabihing tayo ay tao lamang at hindi isang Diyos subalit ang kasalanan ay maiiwasan at mapapaglabanan kung araw-araw at hind isa loob lamang ng isang taon nasa puso si Hesus.