Hingi at bigay

NANGHIHINGI ng pera si Petra kay Ben.

Sa naturang panghihingi ay nagbigay naman ng pera si Ben kay Petra.

Hindi naman sila magkaanu-ano o magkamag-anak.

Walang relasyon ang dalawa, hindi mag-asawa o live-in-partner.

Lalong walang anak si Ben kay Petra upang magbigay ng hinihinging pera.

Pero bakit nagbigay ng pera si Ben kay Petra?

Kung nanghihingi ng pera si Petra, ibig sabihin ay mayroon siyang kakaibang transaksiyon o pakay.

Kaya naman nagbibigay ng pera si Ben ay dahil mayroon naman siyang mapapala o pakinabang sa hinhinging pera sa kanya ni Petra.

Kumbaga ay exchange deal, mayroong kapalit ang panghihingi at pagbibigay.

Ano bale? Magbibigay ng pera si Ben na wala naman siyang mahihita o makukuhang kapalit kay Petra.

Hindi sex o pagtatalik ang dahilan ng panghihingi at pagbibigay.

Ang kalabasan ay parehong makikinabang ang dalawa.

May mga ibang pakahulugan ang panghihingi at pagbibigay.

Isa sa mga halimbawa ay sa pamamagitan ng solicitation at batay lamang sa makakayananan ang ibibigay sa nanghihingi.

Pwde rin ang panlilimos, nasa iyo kung magbibigay ka sa nanghihingi na pulubi.

Pero kapag mayroong ‘cashunduan’ ay hindi na tama.

Isa itong malinaw na pandaraya at panlalamang ng kapwa.

Maaaring magtamasa subalit hintayin ang karma.