Ikalawang SONA ni PBBM

NAKATAKDA sa darating na Hulyo 24 ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ang seguridad ay nakasalalay sa Philippine National Police kaya naman nasa 6,000 pulis ang ikakalat sa bisinidad ng Batasang Pambansa.

Para matiyak na magiging mapayapa ang ikalawang SONA ng Pangulo ay gumawa ng koordinasyon ang PNP sa Armed Forces of the Philippines at sa House of Representatives. security.

Bukod sa 6,000 pulis sa Batasang Pambansa ay may  mga itatalaga rin ang PNP sa iba pang lugar sa Kalakhang Maynila.

Hangad ng pambansang pulisya na walang ano mang karahasan o gulo sa mismong araw ng SONA ng Chief Execitive.

Bilang pagkilala naman sa mga grupong magsasagawa ng kilos protesta ay pahihintulutan naman batay sa pakikipag-usap ng PNP at ito ay idadaos sa  Commonwealth Avenue, Quezon City sa Hulyo 24.