TOP 3 WINNERS PCAP CHAMPIONS TOUR 2024
MAKIKITA sa (gitnang larawan) sina GM elect at IM Daniel Maravilla Quizon tangan ang championship trophy plus ang top purse worth P80,000. (kasama sa larawan mula kaliwa pakanan) NA Ferdinand Reyes Jr., PCAP Founder/Commissioner Atty. Paul Elauria, PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua , GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. (3rd place), FM Ellan Asuela (2nd place), Monique Castaneda (Marketing of AVP-Head of Marketing of Ortigas Malls), Sheila Marie Perez (Associate Marketing Manager of Ortigas Malls) at Tournament Director Coach Hubert Estrella kaugnay ng ginanap na awarding ceremony ng
Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals, sa South Wing Greenhills, San Juan City. (REY NILLAMA)
PINATATAG ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa sa mga nangungunang chess player ng Pilipinas nang pamunuan niya ang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals kamakailan sa Greenhills Mall, San Juan City.
Binigo ng Dasmariñas City, Cavite top player si FIDE Master Ellan Asuela sa blitz at rapid play sa final para makuha ang P80,000 cash prize at magkampeon sa 12-man field na inorganisa ng Professional Chess Association of the Philippines at pinahintulutan ng Games and Amusement Lupon. Sinusuportahan din ito ng PCWorx, The Michael Angelo Foundation Inc., at sa pakikipagtulungan sa HubzStar Chess Center at ng Greenhills Mall.
“I’m very happy to win again, especially in a major tournament like this,” sabi ni Quizon na suportado ang kanyang kampanya nina mayor Jenny Barzaga, coun Kiko Barzaga at national coach FIDE Master Roel Abelgas.
“I would like to thank mayor Jenny Barzaga, coun Kiko Barzaga and national coach FIDE Master Roel Abelgas for supporting my participation in the Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals,” dagdag pa ni Quizon na sariwa pa sa pagkampeon sa 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa AYA Hotel and Residences sa Clarin, Misamis Occidental nitong Hulyo 10.
Kinakailangan ni Quizon mapataas ang kanyang standard rating sa 2460 tungo sa 2500 para makumpleto ang GM title status.
Tinalo din ni Quizon si 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa blitz at rapid play sa semis.
Namayagpag naman si Asuela kay Kevin Arquero sa final four matchups.
Si Quizon at Asuela ay nakapasok sa semis matapos manguna sa preliminary round.
Sina Antonio Jr. at Arquero ay nakapasok sa semifinals matapos talunin ang kani-kanilang katungali.
Tinalo naman ni Antonio si International Master Chito Garma habang wagi si Arquero ay ginulat si FIDE Master Austin Jacob Literatus sa Quarter-finals.
Sa battle for third ay panalo si Antonio kay Arquero. Natangap ni Asuela ang P30,000 nakamit ni Antonio ang P20,000 at nag-uwi naman sina Arquero, Literatus at Garma ng tig P5,000.
Ang iba pang notable woodpushers na lumahok sa torneo ay sina IM Kim Steven Yap, IM Joel Banawa, Mark Kevin Labog, Virgen Gil Ruaya, John Philip Gabuco at Omar Bagalacsa.
Mismong sina PCAP Founder/Commissioner Atty. Paul Elauria, PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua, Monique Castaneda (Marketing of AVP-Head of Marketing of Ortigas Malls), Sheila Marie Perez (Associate Marketing Manager of Ortigas Malls), Tournament Director Coach Hubert Estrella at Sportsman Jessie Villasin ang nanguna sa closing rites. (Marlon Bernardino)