Institusyonalisasyon ng PNG oks sa Commission of Appropriation

ANG pinagsama-samang House Bills na naglalayong i-institutionalize ang Philippine National Games (PNG) ay nakakuha ng kinakailangang suporta matapos irekomenda ng Commission of Appropriation (CA) na paglaanan ito ng karampatang pondo.

Inihayag ni Batangas 1st District Representative Eric Buhain, vice-chairman ng House Committee on Youth and Sports Development, na sa isinagawang pagdinig ng CA nitong Miyerkules kasama ang Department of Budget (DB) senang-ayunan ang paglalaan ng pondo sa PNG bilang sentro ng pambansang kompetisyon sa palakasan.

“Ako po ang naatasan ng ating House chairman on Youth and Sports Cong. Michael Dy na sponsoran yung House Bills sa Committee on Appropriation and I’m happy to announce na nakapasa na po ito. Kailangan na lang itong pumasa sa third reading at iaakyat na namin sa Senado,” ani Buhain.

Sinabi ni Buhain na sa Committee level, may P200M ang proposed budget para sa PNG, ngunit inirekomenda ng CA na pansamantalang kunin muna ang inisyal na gastusin sa Philippine Sports Commission (PSC).

“Initially, ano lang kayanin ng PSC to conduct, yun muna ang gamitin. Then subsequent staging lalagyan na ng budget ang PNG from the General Appropriation (GA). Multi-department ang involvement sa PNG dahil andyan ang AFP at DepEd among others but still ang workforce pa rin sa Philippine Sports with the help of the Philippine Olympic Committee and the National Sports Associations.

“Napakaimportante nitong PNG, ito talaga ang magiging showcase ng ating mga mahuhusay na atleta. Sariling version ng Olympics, lahat ng National Sports Association (NSA) puwede nang isabay yung kani-kanilang national selection. Lahat puwedeng sumali,” sambit ni Buhain, a two-time Olympian and Southeast Asian Games swimming record holder.

Sinabi ni Buhain na ang nasabing pondo ay isasama sa budget na natatanggap ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa General Appropriation (GA).

“Subsequently, doon namin ilalagay sa budget ng PSC sa GA. Multi-department ang involvement sa PNG dahil andyan ang AFP at DepEd among others but still workforce pa rin sa Philippine Sports Commission sa tulong ng Philippine Olympic Committee at ng National Sports Associations.

“Ang maganda nito, maging permanente na ang PNG hindi tulad sa kasalukuyan magkakaroon tapos mawawala. Besides, mako-compel ang mga Local Government Units (LGU) na gamitin ang kanilang resources dahil magiging regular na ito sa kanilang sports program,” ani Buhain.

Sinabi ni Buhain na ang institutionalization ng PNG ay magkakaroon ng malaking epekto ng NSA dahil ang mga suporta sa sports ay tataas sa isang exponential rate.

“Mas magkakaroon ng malalim na pool of talent ang mga NSA dahil matibay na yung grassroots program,” said Buhain.

Ang dating sports chairman ng PSC at Games and Amusements Board (GAB) aynagpahayag ng kimpeyansa na tuluyang magiging batas ang PNG dahil may sariling version na rin sa Senador na nakabinbin sina Senator Bong Go at dating Senator Manny Pacquiao.

“Maraming supporter ang sports sa Senate, andyan din sina Senator Tol Tolentino, Migs Zubiri, Joel Villanueva and Sonny Angara, “added Buhain.

Naunang napagdesisyunan ng Kongreso na pagisahin ang mga inihaing panukalang batas na House Bills 934, 1954, 2986 at 4881 na nagtutulak na maging institusyon at maponduhan ang Philippine National Games.