Inutas ni pinsan  

PATAY matapos tagain sa leeg at ulo ang isang lalaki ng umano’y pinsan nito sa Kalibo, Aklan kamakailan.

Ang biktima ay nasa hustong gulang at naninirahan sa Barangay Bagto, Lezo habang ang suspek ay 51-anyos at residente rin ng naturang bayan.

Napag-alaman na ang suspek ay may kapansanan o problema umano sa pag-iisip.

Sinasabing ang suspek ay may dalawa pang kapatid na umano’y kapwa may kahalintulad na kalagayan.

Nauna rito ay nakita umano ang suspek na may mga kapitbahay pang hinahabol.

Habang nanghahabol ay bitbit umano ng suspek ang dalawang itak hanggang sa ito ay mapadpad sa Barangay Aliputos,  Numancia.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Numancia Municipal Police Station at pagkaraang ng pakikipaghabulan ay nasakote ang suspek sa masukal na lugar.

Sa ulat, nasa impluwensiya ng alak at nanlilisik ang mga mata ng suspek.

Inilipat ng Numancia Municipal Police Station ang suspek sa himpilan ng pullisya ng Kalibo. RUBEN LACSA