‘BAD news itong ating nasagap o nalaman hinggil sa isang Regional Trial Court judge at isang opisyal ng korte.
May kinalaman ang balita sa isyu ng bribery na kinasangkutan ng dalawa na humantong sa kanilang pagkakaaresto.
Ang Korte Suprema naman ay kaagad nagpataw ng suspensiyon laban sa dalawa.
Mag-antabay na lamang tayo sa kahinatnan sa imbestigasyon ng Department of Justice.
Nakakalungkot lang talaga dahil sila ay parte ng huridikatura na dapat ay nasa panig ng tamang batas at wastong hustisya.
‘Jadskuday’ nawa’y lumitaw at mangibabaw ang katotohanan sa kontrobersiya.
Tandaan na nariyan ang ating Supreme Court na maaaring takbuhan kung may alam tayong ‘kabalastugan’ na nangyayari sa bawat mababang hukuman.
Napag-usapan ang huwes ay batiin natin ang dati o retiradong judge.
Siya ay si retired Marikina Regional Trial Court Judge Felix Reyes na itinalaga ng Palasyo kamakailan bilang chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Si Reyes ay nagging presiding judge ng Marikina RTC mula 2006 hanggang 2021.
Acting presiding judge ng Taguig RTC Branch 70 (2017-2019); RTC, Lipa City (February 2011-September 2021); at RTC- Calamba City (2011-2013.
Congrats Ret. Judge Reyes!