Kahalagahan ng programang PH Studies, binigyang-diin ni Legarda  

Binigyang-diin ni Senador Loren Legarda ang kahalagahan ng pagsusulong sa Philippine Studies tungo sa mas malawak na pag-unawa ng mundo sa papel ng bansa.

“Philippine Studies has become more than an academic discipline; it is a global platform for Filipino voices and perspectives to be heard and acknowledged, contributing to the larger human conversation,” sinabi ni Legarda sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng “Dialogo: Philippine Studies Goes Global” sa Maynila noong ika-27 ng Nobyembre 2024.

“From groundbreaking research and community projects to collaborative dialogues on pressing global issues, these universities have become vital centers where values, ideas, and cultures intersect,” dagdag niya.

Maraming mga dalubhasa sa Philippine Studies ang nagsasama-sama sa iisang bubong, na may layuning ipagpunyagi ang kaalamang katutubo at palawakin pa ang bansa sa iba’t ibang perspektiba ng pandaigdigang pag-aaral.

Layunin din nito na maipamalas ang isang plataporma sa pananaliksik, pati na ang ibang mga inisyatiba sa Philippine Studies, sa pagkalap ng suporta dito at sa ibayong dagat.

Ipinahayag ng senadora ang paglalathala ng isang publikasyon na magtatala ng tinahak na daan ng Philippine Studies program, pati na ang iba’t ibang mahahalagang pangyayaring hinubog ng programa.

Ang publikasyon na may pinamagatang “From the Philippines to the World: A Global Catalogue of Philippine Studies Programs Abroad Promoting Academic Excellence and Cultural Diplomacy,” ay ilulunsad sa unang sangkapat ng 2025.

“Today, Philippine Studies programs continue to grow, creating spaces where our stories, struggles, and triumphs are studied, understood, and celebrated,” pahayag ni Legarda.

“Your work—whether in research, in the classroom, or in community engagement—upholds the spirit of Philippine culture and brings our aspirations into a global forum,” ani ng mambabatas.

“Let us create a strong national brand that indulges the world in the richness of our cultural heritage, the depth of our intellectual discourse, and the dynamism of our creative spirit.”

Sa panunguna ni Legarda, 25 na Pamantasan sa iba’t ibang panig ng mundo and pinondohan ang nagkaroon ng pondo upang magtayo o palawakin ang programang Philippine Studies.