Kailan matatamo ang tunay na hustisya?  

SINASABING sumang-ayon na ang isa sa mga sangkot sa nangyaring pagpatay noon sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa ulat ay tumawag ang prosekusiyon ng Department of Justice sa kapatid ni Percy na isa ring mamamahayag.

Ito ay ang pagpayag ng isa sa mga akusado sa Lapid slay case na si Christopher Bacoto para sa pagtestigo.

Nagsilbing middleman si Bacoto sa paghahanap ng papatay o gunman kay Pery noon.

Ang pagtestigo ni Bacoto o ang mga bibitiwang testimonya ay magbibigay ng mas malakas na kaso laban sa gunman.

Hindi naman kaila na si dating BuCor Director General Gerald Bantag na isa sa mga akusado ang itinuturong mastermind sa naturang pagpatay.

Sinusulat natin ito ay ikinokonsidera pa rin si Bantag na wanted sa batas kaakibat ang mga existing arrest order mula sa korte laban sa kanya.

Next in line na nga ba si Bantag, siya na kaya ang kasunod na mahahagilap ng mga kinakaukulan para papanagutin sa batas?

Kung matatandaan ay nabanggit ng Department of Justice na umano’y tukoy na kung saan mahahanap si Bantag.

Ilang buwan na ang nakakalipas mula ang nasabing pahayag ng kagawaran.

Bago ang pahayag na iyon ay unang binanggit ng DOJ na sadyang si Bantag ay may malawak pa ring impluwensya.

Tuloy pa rin naman ang nga ginagawang hakbang ng kagawaran para sa paghuli kay  Bantag kasabay ng pananaw na ito ay nasa Pilipinas pa rin.

Kailan kaya matatamo ng pamilya ni Percy ang inaasam na tunay na hustisya?