NASA apatnapu (40) taon na pagkakabilanggo ang iginawad na hatol ng hukuman ng Baguio City sa tatlong akusado.
Dalawa sa tatlo ay napatunayan ng korte na guilty sa murder case habang ang isa ay bunsod ng paglabag sa Republic Act 11053 or the anti-hazing law.
Pagkaraan ng halos limang taon ay natamo ng pamilya ng kadeteng namatay sa hazing ang hustisya.
Iniutos din ng hukuman ang milyong halaga na pagbabayad ng tatlong akusado sa pamilya ng biktima at sa iba pang kaukulang danyos.
Bakit nga ba nangyayari ang pananakit sa mga bagong pumapasok na kadete sa akademiya at sadya bang kailangan pa ang hazing?
Dapat ay ganap na itong tuldukan ng Philippine Military Academy at magsilbing panggising ang iginawad na hatol ng korte sa tatlong akusado.