Kakwentuhan, tinarakan ng binatilyo sa pagtatalo

HAWAK ng mga awtoridad ang binatilyo na umano’y sumaksak at nakapatay sa lalaking nakatalunan habang sila ay nagkukuwentuhan sa Dasmarinas City, Cavite.
Isinugod pa sa De La Salle University Hospital ang biktima na si alyas Elijah subalit hindi na umabot ng buhay dahil sa saksak sa katawan.
Nasa kustodiya ng Dasmarinas City Social Welfare and Development ang suspek na si alyas Denz matapos naaresto matapos ituro siya ng isang saksi.
Sa ulat, bandang alas-10:05 ng gabi nang ang insidente  kung saan nagkukuwentuhan ang dalawa at isang kaibigan sa Brgy.  Zone-4, Dasmariñas City,  na hindi nagkainitindihan sa opinyon ng bawat isa.
Humantong ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa naglabas ng patalim ang binatilyo at pinagsasaksak ang biktima.
Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay habang naaresto ang binatilyo makaraang inguso ng kasamahan nila na siyang nakasaksi sa pangyayari.

Narekober sa suspek ang ginamit na patalim. GENE ADSUARA