KALIBRE    

Pagbabago sa sarili mo,

epektibo na regalo

kay Kristo ngayong Pasko

 

MALIGAYANG Pasko po!

Kaakibat ng Pasko ang regalo para sa pamilya o kaanak, kaibigan, kasamahan o kahit kanino pa man.

Mayroong nagbibigay ng regalo bago pa man ang Pasko o pagkatapos na.

Ganoon din kapag sasapit ang Bagong Taon, may nagbibigay ng regalo na after New Year na kasi nga ay mahaba naman ang Holiday seasons.

Sa mga hindi pa nakakapagbigay ng regalo na nahihirapan para sa Christmas gift ay mayroong paalala ang Philippine Animal Welfare Society.

Huwag umanong isipin at balakin bilang Christmas gift ang mga alagang hayop dahil ayon sa grupo ay hindi laruan o material na bagay ito.

Pero paano naman kung alam mong talagang animal lover ang pagbibigyan at tiyak na mapag-alaga at mapagmahal sa alagang hayop.

Nasa inyo na po iyan kung alagang hayop pa rin ba ang choice ninyo bilang Christmas gift sa kaanak, kaibigan o kasamahan.

Payo naman ng grupo na sakaling may magbibigay nga na regalo na alagang hayop ay tanungin ang sarili kung ito ba ay tamang makakalinga na kung sa tingin na hindi naman maaalagaan ay makabubuting tanggihan o ibalik na lamang sa nagreregalo sa pamamagitan ng maayos na paliwanag.

Tinanggap ang regalo para lamang hindi mapahiya ang nagregalo subalit ang kawawa o ang magsasakripisyo ay ang alagang hayop.

Napapag-usapan ang regalo ay dapat na tayo mismo ay mayroong gift kay Kristo para sa kapanganakan.

Regalong ispiritual ang dapat nating ibigay sa Pasko o sa kapanganakan ni Kristo.

Ibig sabihin ay pagbabago sa ating sarili ang regalo na epektibo para kay Kristo ngyaong Pasko.

Alam ng bawat isa sa atin ang mga dapat baguhin na kailangang huwag yumakap sa mali bagkus ay palaging sa tama lamang.

Ang tanong ay kaya ba natin ibigay na regalo kay Kristo ngayong Pasko ang pagbabago sa ating sarili?