Karagdang pwersa ng pulisya sa Kalakhang Maynila, napapanahon  

Ganito ang pananaw ni National Capital Region Police Office chief, Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. sa ginawang pagharap nito sa ‘Kapihan sa Bagong Pilipinas’ kamakailan.

Ang pahayag ng hepe ng NCRPO ay bilang pagsang-ayon sa pananaw ni Philippine National Police chief, General Rommel Francisco Marbil, ng karagdagang police personnel sa Metro Manila.

Ayon kay Nartatez, umaabot lamang sa 21,000 police personnel ang nagpapatupad ng peace and order sa Kalakhang Maynila.

Ito aniya ay sa kabila na umaabot 13.5 milyong residente ang Metro Manila na nasa 1 police or 650 people ang ratio.

Lubha umano itong mababa na sana kahit 1 is to 300 police-to-population ratio kaya napapanahon ang kargdagang puwersa ng kapulisan sa NCR.

Sa kabila ng kakulangan sa puwersa ay pinapanatili naman ng NCRPO ang pagpapalakas ng seguridad at police visibility.

Pinag-uukulan din nila ng pansin ang insidente ng sexual harassment at mga bomb threat kaya nananatili ang kanilang presensiya sa mga istasyon ng tren kasabay na rin ang pag-iwas sa mga kaso ng pandurukot. RUBEN LACSA