Katotohanan batay sa dokumento

KAKAPUSIN na ng oras o panahon at kailangang matamo ang hinahangad na panalo.

Ang tanging naisip na paraan upang masungkit ang panalo ay ang pandaraya.

Masakit na katotohanan subalit sadyang nangyayari ang ganitong uri ng pamamaraan.

Ginagawang mandaya dahil ayaw tumanggap ng pagkatalo.

Hindi lamang sa simpleng laro o ano mang laban nangyayari ang dayaan.

Maging sa mga papel o ang tinatawag na mga dokumento ay nariyan din ang pandaraya.

Mayroong likas na malakas ang loob kahit pa na may ilang pandaraya sa mga dokumento ay walang kaba o takot.

Pwedeng makakalusot dahil hindi ganap na narebisa o napag-aralan ang mga isinusumiteng dokumento.

Lalo na iyong nandadaya ay maboladas na sa pakiwari at paningin ng iba ay walang bahid na maling ginagawa.

Tandaan lamang na hindi lahat ng nasa paligid na tahimik lamang ay wala ng pakialam.

Ang mga tahimik na iyan kapag lumikha ng ingay ay katotohanan ang ibubuga batay sa mga dokumento.

Pinakamaganda sa lahat ay lumaban ng patas at huwag mandaya.