Kawalan ng interes sa pag-aaral?

NITONG nakaraang Setyembre 15 batay sa datos ng Department of Education ay naitala ang bilang na 26,912,559 mag-aaral na nakapag-enroll para sa school year 2023-2024.

Sa nasabing bilang ay kinapapalooban ang mga nasa pampubliko at pribadong paaralan kasama na rin ang mga state university at mga college gayundin ang local universities and colleges.

Lubha itong mababa sa inaasahan ng DepEd dahil ang target ay nasa 28.8 million enrollees.

Mayroong mga dahilan sa hindi pag-e-enroll at isa ay bunsod ng kahirapan.

Posible rin ang kawalan na ng interes ng mga bata sa pag-aaral at iba pang dahilan.

Sa kabila nito ay naroon ang pag-asa ng kagawaran sa pagtaas pa sa bilang ng enrollees sa sandaling matapos   ang kanilang encoding period sa darating na Oktubre 30 sa lahat ng paaralan sa bansa.