SA gitna ng bukid inabutan ng kamatayan ang 41-anyos na lalaki matapos natumba habang naglalakad sa Naic, Cavite Linggo ng hapon.
Idineklarang dead on arrival sa San Lorenzo Ruiz ang biktimang si Pableo, Wilson y Medenilla, Male, ng Brgy Malainen Bago, Naic.
Sa ulat ni Corporal Robinson Tercia, ng Naic Police Station, naglalakad ang biktima at ilang kaibigan nito sa gitna ng bukid upang manghuli ng isda at bigla na lamang natumba dakong alas-2:20 ng hapon sa Sitio Gugo, Brgy Malainen Bago.
Agad namang sinaklolohan ng mga kasamahan at isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. GENE ADSUARA