Kumpleto ang mga daliri sa mga kamay    

ILANG araw pa lamang bago ang mismong araw ng Pasko ay mayroong naitala na firework-related injuries ang Department of Health.

Tapos na ang Pasko at nasa panahon na ng pagsasalubong sa panibagong taon.

Hindi naman lingid sa kaalaman na marami pa ring gumagamit ng iligal na paputok tuwing bisperas ng Bagong Taon.

Nakakalungkot lamang na higit na nakararaming biktima ng disgrasya sa paputok ay mga menor de edad at kalamitan ay kalalakihang kabataan.

Silang mga bata na animo’y walang ramdam na takot sa paggamit ng mga iligal na paputok.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na babala ng mga kinauukulan sa kanilang kahihinatnan sa paggamit ng mga ito.

Napakalaki ng partisipasyon ng bawat magulang o guardian para sa kaligtasan ng mga bata o kabataan na marami pang Pasko at Bagong Taon na daraan na dapat ay kumpleto ang mga daliri sa mga kamay.