Kusang ligpit, sariling tapon

HINDI lamang basta itinuturing na pasyalan ang makasaysayang Rizal Park.

Ang Luneta na nasa pusod ng Maynila ay sentro rin ng mga makabuluhang pagtitipon.

Kagaya nitong nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon ay hindi maikakaila na pinili ang Luneta.

Pagkatapos ng okasyon ay tambak na kalat o basura ang sinagupa ng mga tagalinis.

Sa pagtataya ng Metropolitan Manila Development Authority ay nasa 60 trash bags ang kanilang nakolekta.

Hindi pa man sumasapit ang okasyon ay mayroon ng paalala ang MMDA patungkol sa tamang pagtatapon ng basura.

Nawa’y sa bawat sarili nagmumula ang pagkukusa para sa pagliligpit ng kalat at pagtatapon sa tamang basurahan.