SA pagkakaroon ng bagyo ay kakambal ng pag-uulan ang hagupit din na malalakas na hangin.
Kaya naman nitong typhoon Betty ay mayroong apela sa publiko ang Department of Social Welfare and Development partikular sa tatamaan ng bagyo.
Ito iyong pagkakaroon ng kusang-palo lalo at batid na ang mga lugar na sentro ng bagyo.
Ibig sabihin ay magkaroon na ng pagkukusa para sa paglilikas at hindi na dapat humantong pa sa pagpipilitan.
Maganda naman ang motibo ng kagawaran upang maiiwas sa peligro ang mga tao.
Nawawala ang sariling kusa sa paglilikas at napapalitan ng sapilitan batay sa bawat dahilan.
Maaaring mamayani ang kusang-palo kung makakatiyak sa mga kaukulang supply o pangangailan sa panahon ng paglilikas.