LABAS-MASOK NG KULUNGAN ‘KUMANA’ SA SABDIBISYON   

SINIMOT ang laman ng refrigerator at tinangay ang laptop pati mga groceries ng mga hinihinalang akyat-bahay, isa rito ay labas-masok na sa kulungan, sa loob ng subdibidyon sa Naic, Cavite. 

Arestado ang isa sa mga suspek na si alyas Lily, 36, vendor, ng Brgy Calubcob, Naic, habang pinaghahanap ang kasama nito na may mga alyas bilang Frederick, Lablab, 27, ng Brgy Calubcob, Naic.

Sa reklamo ng biktima na si Mary Joyce Tayongtong, 28, dumating siya mula sa pagsisimba bandang alas-3:15 ng hapon sa kanilang bahay sa Diosmito Subdivision, Brgy Ibayao, Silangan, Naic, at napansin ang nagkalat sa loob.

Napansin din niyang bukas ang kanilang refrigerator na simot na ang laman at nawawala rin ang kanyang lapotod at mga biniling grocery items. 

Nagpatulong siya sa kanyang kapatid na nakatira sa katabing subdibdiyon at pinanood ang footage ng Closed Circuit Television.

Sa CCTV ay nakita ang isang lalaki na nakasuot ng brown na bull cap, itim na t-shirt at kumbinasyon na kulay itim at red na short kung saan nakilala ang nasabing lalaki na may mga kaso na sa pagnanakaw at droga na labas-masok sa kulungan.

Naaresto naman ang babaeng kasama habang ang nasabing lalaking labas-masok ng kulungan ay kasalukuyang pinaghahanap. (Gene Adsuara)