SINASABING may mga pulitiko na hindi nagpapalit ng kanilang campaign photos sa kabila na ilan taon na ang nagdaan.
Mayroon pa nga na dekada na nagamit ang mga litrato o larawan sa kampanyahan.
Ang bagay na ito o usapin ay hindi nakaligtas sa ginawang pagpuna ng Commission on Elections.
Sabi nga ni Comelec Chairman George Garcia ay napakalayo sa realidad kung lumang larawan ang ihahantad.
Dapat ay mga bagong litrato ang gamit ng bawat kandidato at hindi iyong dekada na mga larawan.
‘Larawan Kupas’ ay bahagi ng kanta na nagpapaala subalit hindi akma para sa halalan.
Tama naman ang puna ng komisyon na halimbawang ang kandidato ay matanda na subalit ang ilalagay na larawan sa campaign poster ay noong bata o kabataan pa.
‘Asan nga naman ang katotohanan?