Lugmok ang industriya ng palay  

ANG paghagupit ng mga bagyo sa bansa ang isa sa mga dahilan ng pagkakasayang ng ating mga palay.

Bukod sa mga bagyo ay kasama na rin ang El Niño phenomenon sa sinasabing pagkakasayang sa  mahigit isang milyong metric tons ng palay.

Sa huling tala na inilabas ng Department of Agriculture ay umabot sa 1.024 million metric tons ng palay ang nasayang simula nitong Enero.

Itinuturing na grabeng pinsala ay ang paghagupit sa bansa ng bagyong Kristine.

Wala pa man si ‘Kristine’ ay nasa 507,564.39 metric tons na palay ang nasayang bunsod ng mga naunang nagdaang bagyo dagdag pa ang dahil sa El Nino.

Lugmok talaga ang industriya ng palay at sadyang napakatindi ang pagkakallugi.

Nakatutok naman ang Department of Agriculture hinggil dito kaakibat ang aksiyon sa maaari pang paparating na bagyo o kalamidad.