PASKUNG-pasko na talaga lalo at nagsasagawa na ng tradisyunal na Simbang Gabi.
Nawa’y nasa puso ang pagdalo sa misa at hindi nagpupunta sa simbahan dahil lamang sa kung anong kasiyahan o barkadahan.
Sadyang napakabilis ng panahon at ilang tulog o ilang araw na lamang ay Pasko na.
Ganoon din sa taunang aktibidad na isinasagawa ng PAPI o Publishers Association of the Philippines Inc.
Parang kelan lang, last year ay nasa Ilocos Norte kami at ngayong taon ay sa Tagaytay City, Cavite idinaos ang 28th National Press Congress ng PAPI nitong Disyembre 5-6 sa Hortz Hotel.
Ang National Press Congress ay yearly idinadaos ng PAPI sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang tagumpay ng taunang National Press Congress ay bunsod na rin sa kasipagan at dedikasyon ng mga opisyal ng PAPI partikular ng kasalukuyang President Nelson Santos.
Dagdag pa ang kooperasyon at pakikiisa ng mga kasapi ng PAPI mula sa iba’t ibang lugar para sa ikatatagumpay ng naturang yearly event.
Mabuhay ang PAPI!