Magandang income, muling sisirit

MAYROONG pagtataya ang United States Department of Agriculture hinggil sa mga cafe at bar sa Pilipinas.

Naniniwala ang USDA sa mangyayaring paglobo sa income ng mga cafe at bar para sa taong ito.

Nakikita ng nasabing ahensiya na nasa 20% porsiyento ang itataas ng kabuuang kita sa mga cafe at bar sa ating bansa.

Ang mga pamoso o tanyag na mga ganitong establisiyimento ay sadyang pinupuntahan at tinatangkilik ng mga kostumer.

Nakaapekto sa galaw ng income ng mga ito ay dahil sa noon ay limitado ang social gathering.

Dahil sa unti-unti o patuloy na ang pagbabalik sa face to face sa mga eskuwelahan at trabaho ay sisirit muli ang magandang income nito.