UMABOT sa mahigit 27,000 kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Marso nitong taon.
Batay ito sa inilabas na ulat kamakailan ng Department of Health na sinasabing mas mataas kung ikukumpara noong January to March 2022.
Ngayong nasa panahon ng tag-init kasabay pa ng kakulangan sa supply ng tubig ay patuloy ang paalala ng kagawaran.
May kaugnayan ito sa mga iniimbak na tubig bilang tugon sa mga nakakaranas ng kakulangan sa supply.
Maging responsable sa pag-iipon ng tubig at hindi dapat hinahayaang ito ay basta na lamang nakabuyangyang.
Ang mga lalagyan ng ipong tubig na walang maayos na takip ay pinamamahayan ng mga lamok.
Kung ang lamok ay nagtataglay ng sakit na dengue ay paborito ng mga ito na mamalagi sa nakabuyangyang na tubig para roon manganak.
Kung mahalaga ang tubig ay ganoon din ang kalusugan.