KABILANG ang Pebrero sa mga buwan na maraming bilang ng mga ikinakasal.
Kagaya nitong nakalipas na Araw ng mga Puso ay dagsa ang idinaos na mass wedding.
Bilang mga bagong mag-asawa ay haharap sa buhay bilang isang pamilyadong tao.
Lalo at magbubunga ang pagsasama sa pagkakaroon ng supling o mga anak.
Maganda at mahalaga ang paalala ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa kasalang bayan sa Parañaque City nitong nakaraang Valentine’s Day.
Ipinaalala ni VP Duterte ang kahalagahan sa pagpaplano ng pamilya dahil dito nakasalalay ang maayos at magandang kinabukasan ng bawat magiging anak o magiging supling.