ARESTADO ang 29-anyos na magsasaka matapos ibenta ang nakaw na sasabunging manok sa kaibigan ng may-ari nito na isang pulis sa Magallanes, Cavite Lunes ng hapon.
Kasong theft ang kinaharap ng suspek na si Norberto Barcenas y Bombit, binata, ng Sino Lobo-Lobo, Brgy. Caluangan, Magallanes.
Kinilala ang nagreklamo na si Corporal Edilardo Vicedo may-asawa, isa rin barangay councilor ng Poblacion 3, Magallanes.
Sa ulat, inalok umano ng suspek na ibenta sa isang lalaki ang sasabungin na manok sa halagang P15,000.
Lingid sa kaalaman ng suspek na kilala ng kaibigan ni Vicedo ang sasabungin manok na pagmamay-ari nito.
Tinawagan ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong ala-1:30 ng hapon sa Sitio Lobo, Barangay Caluangan, Magallanes.
Nabatid na ang nasabing sasabungin na manok ay ninakaw ng suspek sa bakuran ng biktima. GENE ADSUARA