PAPALAPIT na nang papalapit ang eleksiyon para sa barangay at sangguniang kabataan.
Tila ba darating na ang paghuhukom para sa lahat ng aspirante.
Mayroon na ba kayong napipisil na ‘manok’ para magiging tserman ng inyong barangay at siyempre pati ng mga kagawad?
Ganoon din ang mga bagets o teenager na boboto para sa sangguniang kabataan.
Kaya naman pag-isipang mabuti at tiyaking tama ang pagkilatis sa mga ‘manok’ ninyo.
Pero sadyang napakahirap kumilatis dahil sa paningin ay ginto subalit tanso pala ang kaloob-looban.
Mahirap matanso sa ganitong pagkakataon dahil hindi lamang para sa sarili bagkus ay buong komunidad ang nakasalalay dito.