ANG pagsasakatuparan ng ‘Oplan Pag-abot’ ay isang makabuluhang programa ng Department of Social Welfare and Development.
Ito ay sinimulan na sa Kalakhang Maynila at sa unang araw ng monitoring para sa standard operating procedure nito ay pinangasiwaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Mismong ang kalihim ang lumapit at kumausap sa mga pamilyang nasa lansangan.
Paghihimok na lisanin na ang lansangan at sumama na sa kagawaran kaakibat ang tulong pangkabuhayan.
Hangad ng kagawaran na bumalik na lamang sa bawat probinsiyang pinagmulan ang pamilyang nasa lansangan.
Dahil walang tirahan ay nakasuporta ang DSWD para sa relocation aid, support packages, transitory shelter assistance at ibang kakailanganin ng mga ito.