Maramdaman ang diwa  

SUNUD-SUNOD na bagyo ang bumayo sa ating bansa na nag-iwan ng malaking pinsala at kumitil pa ng mga buhay.

Maraming lugar ang nagmistulang ‘delubyo’ lalo pa ang mga hinambalos na hindi pa nakakabangon ay muling sinalakay ng panibagong bagyo.

Nakakalungkot ang pagkakawala o pagkakasira ng mga ari-arian higit lalo ang paghihinagpis ng nawalan ng mga mahal sa buhay maging ang pamilya na umaasa sa kanilang nawawalang mga kaanak.

Sadyang matulin ang takbo ng oras o panahon na dahil ilang araw na lamang ang mga nalalabi ay mamamalayan na  Pasko na pala.

Mapalad ang mga nasa lugar na hindi natumbok o gaanong naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo na ang Pasko para sa kanila ay magiging maayos at maganda.

Ang isa sa kahulugan ng Kapaskuhan ay para sa pagbibigayan kaya nawa ay maramdaman ng iba ang diwa na ito.