SA pagkakaupo ni Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice ay nasa mahigit 18,000 Persons Deprived of Liberty ang napalaya mula sa iba’t ibang piitan sa bansa.
Ngayon namang 2025 ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang, Jr. ay target nila ang decongestion sa mga kulungan.
Ngayong taon din na ito ay maaari ng mapabilang para sa Good Conduct Time Allowance ang mga PDL na nahatulan ng heinous crimes batay na rin sa pahayag ng Supreme Court.
Mapalad ang nakapagtamo ng kalayaan lalo na bago pa man ang pagsapit nitong nakaraang kapaskuhan.
Masarap sa laya dahil walang katumbas ang ligaya kapag kapiling ang pamilya.
Sana ay maiakay ng gobyerno para sa pagbabago ang mga napapalayang PDLs gayundin sa panahon pa lamang ng kanilang pananatili sa loob ng kulungan.