NITONG nakalipas na buwan ay nasa 6.1 percent ang inflation ng ating bansa.
Sa pahayag ng Philippine Statistics Authority ay bumagal ang inflation ng nakaraang buwan kung ihahambing noong Abril na nasa 6.6 percent.
Ang slow inflation rate noong Mayo ay bunsod ng mas mabagal na paggalaw sa presyo ng pagkain, transportasyon at non-alcoholic beverages gayundin ang restaurant and accommodation services.
Sa pagbaba ng inflation ng nakaraang buwan ay palatandaan na ang kasalukuyang administrasyon ay tumutugon sa pagtamo ng abot-kayang presyo ng mga bilihin.
Bunga nito ay umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na darating ang panahon na matatamo ang ginhawa sa ipinapakitang pagbaba ng inflation sa bansa.
Pinasisigla at pinatatatag ng ating gobyerno ang mga hakbanging may kaugnayan sa ekonomiya para sa hangaring maginhawang pamumuhay ng bawat isa.