INALIS na ng World Health Organization bilang global health ang covid-19.
Pero sa kabila nito, ang pandemiya dulot ng covid ay patuloy na binabanggit ng Department of Health na ito ay nananatili pa rin.
Ibig sabihin ayon sa kagawaran ay hindi pa tapos ang covid-19 pandemic sa bansa.
Kaya naman palagi ang pagpapaalala ng DOH sa publiko na hindi pa dapat ganap na magpakampante.
Kinakailangang gawin ang mga kaukulang pag-iingat bilang proteksiyon sa banta ng naturang virus.
Matinding dagok na ang idinulot sa bawat isa sa pagsisimula pa lamang noon ng covid-19 at hangad ng lahat ang ganap na pagbangon kaakibat ang pag-iingat.